Powered By Blogger

Tuesday, December 13, 2011

CANOSSA COLLEGE PTA AT RED CROSS SAN PABLO NAMUNO SA GIFT GIVING AT FEEDING PROGRAM SA 50 PAMILYA NG BRGY. SAN JOSE


San Pablo City- May 50 pamilya o humigit kumulang na 250 katao ang nabigyan ng mga old clothes at bag of groceries sa isinagawang gift giving ng Canossa College PTA nuong Dec. 14, 2011 sa Brgy. San Jose. Ang proyekto ay  sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Atty. Janet Joy Atienza Reyes kasama ang kanilang School Directress na si Sr. Fely Arellano, Dr. Noraida Salvosa, High School Principal at Mrs. Cecile Bueser, Grade School Principal.

Nagpadala naman si City Admin. Amben Amante ng lugaw para sa isinagawang feeding program para  sa mga kabataan. Nakiisa rin sina Mrs. Dory Cabela, Administrator, Red Cross San Pablo at Mr. Arvin Carandang.

Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si City Admin. sa lahat ng miyembro ng Canossa College PTA sa marami nilang nabigyan ng kasiyahan at tulong. Pasasalamat rin sa Red Cross na laging kaisa sa mga programa ng Pamahalaang Lunsod. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment