Powered By Blogger

Tuesday, December 13, 2011

MAY 60 KATAO NATULUNGAN NI VICE-MAYOR ANGIE YANG

San Pablo City- Mula Nov. 19 hanggang Dec. 16 ay may 60 taga-lunsod ang natulungan ng iba’t-ibang programa ni Vice-Mayor Angie Yang. Sa kanyang job employment assistance ay may 10 ang nabigyan ng trabaho mula sa 28 na aplikante.

Ang mga ito ay agarang nagkaroon ng trabaho sa SM Dept. Store, SM Supermarket, Liana’s, Puregold, Ultimart at Global Foods. Ang job employment assistance ay sa pamamatnubay ni G. Ruben delos Santos, VM Staff.

Natulungan din ng Tanggapan ng Pangalawang Punonglungsod para sa Pantawid Pamilya Pilipino Program ng DSWD para sa kanilang registration at validation sa programa. Sa livelihood programs naman ay may 37 beneficiaries mula Brgy. Bagong Bayan at Brgy. Sta. Catalina ang nabigyan ng libreng baking (bread at pastries) training seminar. Pinamumunuan naman ni Bb. Jean Alcantara, VM Staff, bilang trainor ng nasabing livelihood project.

Ayon kay Vice-Mayor sa susunod na taon ay lalo pa nilang pag-iibayuhin ang kanilang mga job at livelihood assistance upang mas marami pang San Pableno ang maiangat ang buhay at magkaroon ng dagdag hanapbuhay. Pasasalamat naman ang kanyang ipinaaabot kina Mayor Vicente Amante, City Admin. Loreto Amante sa agarang nilang pagtugon sa anumang pangangailangan ng kanyang tanggapan partikular na sa kanilang mga proyekto sa iba’t-ibang barangay. (CIO-SPC)

No comments:

Post a Comment