Powered By Blogger

Tuesday, December 20, 2011

LAKAN AT MUTYA AND COCO STAR 2012 SKED OF ACTIVITIES



San Pablo City- The Committee of the Beauty Search for Lakan at Mutya 2012 announces the following major activities starting Jan. 7, 2012. Talent Competition will be on Jan. 7, 1 pm; Fashion Show, Jan. 8, 1 pm at SM Mall Atrium; Personal Appearance on Jan. 9, 4 am at Umagang Kay Ganda and Unang Hirit, and at the Opening Salvo of the Cocofest 2012, 6 pm and finally Pageant and Coronation Night, Jan. 11, 6 pm at the Main Stage, City Plaza.

The other beauty search,  Coco Star 2012 will be having the following activities: Fashion Show, Jan. 8, 1pm, SM Mall Atrium; Personal Appearance on Jan. 9, 4 am at Umagang Kay Ganda and Unang Hirit, and at the Opening Salvo of the Cocofest 2012, 6 pm and Pageant and Coronation Night on Jan. 12, 6 pm at SM Mall Atrium.

Winners from these beauty search will join the Grand Float Parade of the Cocofest 2102 on Jan. 13. (CIO-SPC)

DLSP NEWSPAPER “BAGONG SINAG” HUMAKOT NG AWARDS SA REGIONAL HIGHER PRESS CONFERENCE


San Pablo City- Humakot ng may 23 awards ang “Bagong Sinag”, ang official college newspaper ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo sa nakaraang Regional Higher Press Conference ng Association of Tertiary School Paper Adviser of southern Tagalog nuong nakaraang Dec. 12-14 na ginanap sa Lucban, Quezon.
Nagwagi ang Bagong Sinag sa Group Category ng sumusunod: Tabloid- Best Tabloid (8th place); Best News Page (6th place); Best Sports Page (7th place); Best Devcom Page (8th place at Best Page Design (10th place); Magazine- Best Magazine (10th place); Best News Page (6th place); Best Devcom Page (9th place) at Best Editorial Page (10th place); Broadsheet- Best News Page (4th place) at Best Editorial Page (5th place).
Nagwagi naman sa Individual Category ay sina Erwin Villalobos (2nd place, Literary Graphics Illustration-Fil.); Laarni Cristo (3rd place, Photojournalism-Fil., 7th place, Poetry Writing-Fil.); Cherry May Serida (6th place, Copyreading and Headline Writing-Fil., 7th place, Editorial Writing-Eng.); Tristan June Alejandro (6th place, Devcom Writing-Eng.), John Micko Montejo ( 6th place, Literary Graphics Illustration-Eng., 7th place, Comic Strip Drawing-Eng.), Patricia Joy Sanorjo (7th place, Photojournalism-Eng.), Jolly Nadal (7th place, Devcom Writing-Fil.) at Abigail Joy Alvero (9th place, Sports Writing-Eng.)
Sa Special Contest naman ay nagwagi ng 7th place sa Desktop Publishing sina Tristan June Alejandro, Erwin Villalobos, Patricia Joy Sanorjo, Cherry May Serida at Abigail Joy Alvero.
Kaya lubos na pagbati ang ipinaaabot nina Mayor Vicente Amante at City Admin. Amben Amante sa Bagong Sinag sa pamumuno ng kanilang Adviser na si Ms. Brenda Enmacino at sa Editor-in-Chief na si Tristan June Alejandro sa panibago na namang karangalang nakuha ng DLSP. (CIO-SPC)

UMIWAS SA DISGRASYA, MAG-INGAT SA PAPUTOK-PANAWAGAN NI CITY ADMIN. AMBEN AMANTE


San Pablo City- Bilang pakikiisa ng lunsod sa kampanya ng Dept. of Health na “Aksyon Paputok Injury Reduction” (APIR), nanawagan si City Admin. Loreto Amben sa lahat ng mamamayan ng Lunsod ng San Pablo na umiwas sa disgrasya ukol  sa paggamit ng paputok ngayong darating na Pasko lalo’t higit sa darating na Bagong Taon.

Kaya nagbigay ng ilang paalala at panawagan si City Admin. ukol sa paggamit ng paputok. Upang makaiwas sa disgrasya lumayo sa mga taong nagpapaputok, huwag pulutin ang mga hindi sumabog na paputok at kung hindi naman naiwasan at naputukan magpagamot agad sa pinakamalapit na ospital.
Dagdag pa niya na mayroon namang ibang paraan upang masigurong ligtas ang pagdiriwang ng Bagong Taon tulad ng paggamit ng torotot, busina, musika, lata at iba pang bagay na makakalikha ng ingay. Maaari rin namang makisaya at lumahok na lang sa mga street party, concert at palaro.
Sinigurado naman niya na sa darating na Dec. 29-31 kung kelan ang bentahan ng mga paputok sa may Regidor St., ay nakabantay ang mga tauhan ng Bureau of Fire, PNP at ambulansya ng City Health Office upang maging handa sa anumang disgrasya maaaring maganap.
Paalala rin niya na sana ay matuto na ang lahat sa mga naging disgrasya sanhi ng paputok nuong nakaraan taon. Sa halip ay magsama-sama at magkaisa ang lahat ng mamamayan ng lunsod upang masimulan ng maayos, masagana at ligtas na bagong taon. (CIO-SPC)

Wednesday, December 14, 2011

CANOSSA COLLEGE PTA AT RED CROSS SAN PABLO NAMUNO SA GIFT GIVING AT FEEDING PROGRAM SA 50 PAMILYA NG BRGY. SAN JOSE







San Pablo City- May 50 pamilya o humigit kumulang na 250 katao ang nabigyan ng mga old clothes at bag of groceries sa isinagawang gift giving ng Canossa College PTA nuong Dec. 14, 2011 sa Brgy. San Jose. Ang proyekto ay  sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Atty. Janet Joy Atienza Reyes kasama ang kanilang School Directress na si Sr. Fely Arellano, Dr. Noraida Salvosa, High School Principal at Mrs. Cecile Bueser, Grade School Principal.

PAARALANG PAG-IBIG AT PAG-ASA ITINANGHAL NA OUTSTANDING SPED CENTER SA BUONG REHIYON






San Pablo City- Sa ginanap na parangal nuong Dec. 8, 2011 sa Cebu Business Hotel, Cebu City, ay ginawaran ng Dept. of Education ang Paaralang Pag-ibig at Pag-asa ng Lunsod ng San Pablo bilang National Finalist sa Search for 2011 Outstanding SPED Center mula sa pagiging Outstanding SPED Center  sa Reg. IV-A. Kaugnay nito ay isa pa ring karangalan ang natanggap ng paaralan sa pamamagitan ni Gng. Babylene A. Palma na naging National Finalist sa Search for 2011 Outstanding SPED Teacher Handling Children with Visual Impairment bilang isa ring Regional Awardee sa nasabing category. Si Gng. Palma na nagtapos ng kanyang M.A. SPED sa Phil. Normal University ay naging substitute teacher sa Paaralang Pag-ibig at Pag-asa nuong 2003 at naging permanent SPED Teacher 1 nuong 2005.