Powered By Blogger

Friday, October 29, 2010

NBI-SPC SATELLITE OFFICE NAKAPAG-ISSUE NG MAHIGIT KUMULANG 250,000 NBI CLEARANCE


San Pablo City -  Lubos ang pasasalamat hindi lamang ng mga San Pableno kundi maging ng mga mamamayan mula sa mga karatig bayan sa mga proyektong naisagawa ni Mayor Vicente B. Amante Ph.D. na pawang makabuluhan at tunay na nakakapag-abot ng tulong  lalo’t higit sa mga mahihirap.

            Sa isang panayam sa isang kumukuha ng clearance sa National Bureau of Investigation-San Pablo City Satellite Office na ayaw magpabanggit ng pangalan, ay sinabi nitong napakalaking tulong  para sa kanilang may kakarampot ng budget ang pagkakaroon ng satellite office ng naturang ahensya dito sa lunsod. Sapagkat hindi na nila kinakailangan pang dumayo pa sa ibang bayan para makakuha ng clearance na kalimitang hinihinging requirement sa pag-aaplay ng trabaho lokal man o sa ibang bansa.

            Base sa talaan ng NBI –SPC Satellite Office mula ng ito’y ganap na mag-operate sa Lunsod noong 2004 hanggang sa kasalukuyan ay tinatayang humigit kumulang na 251,472 na ang kanilang naisyuhan ng mga clearance para sa abroad at local travel/employment. Ipinaabot naman ni Bb. Lily D. Tandoc OIC ng tanggapan, ang kanilang papuri at pasasalamat sa Punonglunsod na walang sawang sumusuporta sa kanilang tanggapan. Kung kaya’t ginarintayahan naman nito na patuloy silang aagapay sa taumbayan na nangangaailangan ng kanilang serbisyo.

            Ang kahanga-hangang pagsasabuhay ni Mayor Amante ng dakila nitong adhikain  na makapagbigay ng serbisyong de kalidad sa taumbayan ay ang isa sa tunay na hinahangaan ng karamihang San Pableno kung kaya’t hindi maitatwa ang pagmamahal ng taumbayan sa Punonglunsod. Patunay sa nabanggit ay ang patuloy na pagtangkilik dito ng mamamayan sa pamamagitan ng pagluluklok sa kanya sa ika-anim na pagkakataon. Inaasahan din na bago magtapos ang termino nito ay marami pang mga makabuluhang proyekto ang isasakatuparan upang mapaginhawa ang buhay ng bawat mamamayan ng Lunsod ng San Pablo.

32 BAGONG BRGY. CHAIRMAN NAHALAL SA NAKARAANG BARANGAY AT SK ELECTION


San Pablo City –  Isang maayos at tahimik na halalan ang naganap sa Lunsod ng San Pablo sa nakaraang Barangay at SK Election nuong Oct. 25, 2010. Sa walampung (80) nahalal na Barangay Chairman, 32 dito ang bagong halal at 48 ang dati ng nanunungkulan at ang iba naman ay walang kalaban.

Ito ang unofficial result  ng mga bagong halal: Renato Guevarra (Atisan), Ernesto Carreon (Bagong Bayan), Ernesto Banting (Concepcion), Fred Espiritu (Dolores), Edwin Alvero (San Antonio II), Raymundo de Castro (San Bartolome), Meliton Egamen (San Buenaventura), Efren Bautista (San Crispin), Estelito Reyes (San Diego), Efren Janolino (San Gabriel), Cristina Samsaman (San Joaquin), Eufracia Ciabal (San Lucas II), Rolando Cosico (San Marcos), Rodelo Arceo (San Mateo), Macario Almario (San Pedro), Plaridel dela Cruz (San Rafael), Ayette Diangkinay (Santiago I), Brigida Alican (Sta. Catalina), Teodoro Marcelo (Sta. Isabel), Rolly Devanadera (Sta. Felomina), Leonardo Villanueva (II-B), Nicasio Janolino (II-E), Ramil Enobio (III-C), Sofronio Reyes (III-D), Peter Chan (III-F), Gilbert Ticzon (IV-A), Cerma Pujanes (IV-B), Adelaida Malabuyoc (IV-C), Renaldo Castaneda (V-A), Joel Katigbak (VII-A), William Lim (VII-B) at Ronelo Mendoza (VII-E).

Samantala ang mga datihan ng punongbarangay ay sina Buhay Espiritu (Bagong Bayan), Evelyn Samson (Bautista), Napoleon Calatraba (Del Remedio), Javier Icaro (San Antonio I), Benjamin Felismino II (San Cristobal), Dandi Medina (San Francisco), Rene Calabia (San Gregorio), Crisanto Almare (San Ignacio), Zoilo dela Paz (San Isidro), Gener Amante (San Jose), Balbino Escueta (San Juan), Agustin Panopio (San Lorenzo), Eduardo Demejes (San Lucas I), Jaime Mulimbayan (San Miguel), Bernabe Cuello, Jr. (San Nicolas), Teodoro Lina (San Roque), Edgardo Manalo (Santiago II), Cresenciana Calabia (Stmo. Rosario), Renato Pasajol (San Vicente), Romeo Gonzales (Soledad), Ranilo Velasco (Sta. Ana), Sherwin Perez (Sta. Cruz), Dorben Roa (Sta. Elena), Restituto Pere (Sta. Maria), Carmelita Amante (Sta. Ma. Magdalena), Daniel Asejo (Sta. Monica), Proceso Manalo (Sta. Veronica), Fernando Diokno (Sto. Angel), Eduardo Ruidera (Sto. Cristo), Ernesto Quezada (Sto. Nino), Eugene Tolentino (I-A), Ricardo Sandiego (I-B), Helen Rosales (II-A), Ramon Panganiban (II-C), Alberti Wico (II-D), William Pujanes (II-F), Glenn Avanzado (III-A), Ferdinand Reyes (III-B), Romeo Maghirang (III-E), Rosilon Exconde (V-B), Marytess Tala (V-C), Clarito Angeles (V-D), Ronald Castillo (VI-A), Billy Palma (VI-B), Generoso Bartolome (VI-D), Mauricio Casalme (VI-E), Teodolfo Marasigan (VII-C) at Fernando See (VII-D).

Ikinalugod naman ni Mayor Vicente Amante na sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan lalo’t higit ang tanggapan ng pulisya ng lunsod ay naging matagumpay at matiwasay ang nakaraang halalan. (CIO-SPC)